Kabanas yung mga babaeng alam naman na na maganda sila. OA pa kung magpacute. Halata naman masyado teh. Palanggana ang tawag diyan. Umaapaw kasi. Pacharming ng pacharming. Nawawala ang appeal.
Same with the boys. Alam na nga na masarap sila. Masarap sila?!! Lalo pa magpapasarap ng mga posing posing epek. Na ultimo sa bakla talagang nangaakit sila at tuwang tuwa pag nagpapaakit naman ang mga bekiness.
Basta di talaga okay ang OA.
NO TO OA! NO TO OA!
rally?!
Ang sakit na nga ng ulo mo tapos darating ka sa bahay ang gulo-gulo. Nagkalat ang mga pinagkainan pati mga damit na pinaghubaran. Sinong matutuwa niyan?!
Maghapon na nandito sa bahay. Walang ibang ginawa kundi magcomputer! p#$&&^*$ yan! Tapos uutusan mo maghugas ng mga pinggan at magsaing. Pagod na kaagad?! Humilata na kaagad sa sala at nanood ng TV?! Wow!
Masyado na. Hindi ko talaga to pagagagamitin ng internet. Sobra na. Siya pa galit niyan huh!
Kahit pala pinalaki naman ng maayos at sagana sa disiplina. Kung matigas talaga ang ulo. Wala pa rin.
Hay talaga naman po nako!
Naalala ko noon nagvivideoke kami ng pinsan ko sa loob ng bahay. Bandang gabi na yun pero maaga pa para matulog.
Damang-dama niya pa ang kanyang inaawit. “Nothing can stop us now“ pa nga yun.
Tapos maya-maya biglang may sumigaw. “Hoy pwede bang pakihinaan yan?! Tumigil na rin kayo. Ang lakas-lakas n‘yo kumanta!!“ Kapitbahay naming lalake na maliit na kababata namin na gangster na na akala mo kung sinong malaking tao kung magmatapang.
Nagkataong pumunta akong kusina at pagbalik ko ng sala nakita ko yung pinsan kong kumakanta eh nakadapa na. Tawa ako ng tawa sa kanya. Bilang nagkataong nothing can stop us now pa ang kinakanta niya. Ayan tuloy pinatigil siya.
Maya-maya lang eh nadinig namin yung tiyahin niyang tomboy pinapagalitan si gangster. At lasing pala kaya matapang. Sus.
Kaya ayun. Tinigilan rin namin ang kanta.
Bow.
Pangasar yung ibang lalake na sinasabi “hindi ko kailangan ng magandang babae. Basta yung mamahalin lang ako ayos na.“ Mukha mo hoy.
Tapos makikita mo ang gaganda ng mga nilalandi at puro sexy mga pinopormahan. Pwede ba huh.
Pero yung ibang girls naman na nakikipaglandian sa panget. (Sensiya sa mga kumakain) Matibay ang sikmura huh. Makikipaglandian na lang hindi pa sa gwapo.
Gulo ko yata.
Basta yun na!
Ang aking napakapogi at bibong pumpkin. Hihi
(di ko narotate)
(Source: indaysabote)
Ang daming notes ng zombie attack chenes huh. Napaghahalataan ang mga ‘to. Either nilike/reblog dahil ang weird talaga ng istorya o fanatic ng mga zombie movies lalo na ng The Walking Dead. Well, sa akin naman ay pareho ko rason. Haha!
Minsan ayos rin na ipagpilitan mo yung punto mo at yung alam mo kaysa masindak o kabahan.
(Taray ng paunang phrase. Spell?! Hahaha!)
Kanina nasermonan ako ni boss dahil mali ang endorsement na ginawa mula doon sa pinagawa niya at pinapalitan.
Sabi niya huwag ko raw ipagpilitan ang sinasabi ko kasi di raw ‘yon ang sinabi niya. Pero no, no, no no way! (i’m not leaving without you) Hindi naman pwedeng hindi ako iimik eh natatandaan ko pa yung sinabi niya at tinanong ko.
Kaya pinagpilitan ko ang sinabi niya at iniutos niya sa akin. At mabuti na lang rin itinatabi ko ang mga backings. Para may ebidensiya.
Oh eh di natameme siya. Chos.
Wala na siya nasabi at pinaulit na lamang sa akin ang pinagawa.
Yun lang!
A naked man found in Miami, Florida, eating the face of another naked man growled at a police officer before being shot dead, witnesses say.
The attacker was reportedly warned to back away but when he continued to eat the victim, the officer opened fire several times, killing him.
Drugs may have played a part in the attack, police say, which happened next to a busy road on Saturday afternoon.
About 75% of the victim’s face was missing, local media have reported.
Cyclist Larry Vega said there was “blood all over the place” when he came across the horrific scene by MacArthur Causeway.
“I told him get off,” Mr Vega told WSVN Fox 7. “The guy just kept eating the other guy away like ripping his skin.”
He said he alerted a police officer, who warned the attacker several times to back away from the victim.
“The guy just stood his head up like that with a piece of flesh in his mouth and growled,” Mr Vega said.
The victim, who is said to be a homeless man, is reported to be in a critical condition in hospital.
The identities of the two men have not been released.
Armando Aguilar, of Miami’s Fraternal Order of Police, told Local 10 news: “When the officer approached… [the attacker] turned around and growled like a wild animal and kept eating at the man’s face.”

(Source: BBC)
Minsan.
Minsan natutuwa ako sa mga matandang nakakasabay ko. Yung as in tipong nasa 70 na ang edad. Lalo na kapag babae. Tapos yung sobrang daldal. Yung bawat makita at madaanan ng jeep ay bibigyan niya ng komento o di kaya ay magkukwento kung ano ang lugar na ‘yon noong kapanahunan niya.
Hindi ko tuloy malaman kung makikipagkwentuhan rin ako o tatango lang sa lahat ng sinasabi niya.
Di ko rin namamalayan minsan na malapit na pala akong bumaba ng jeep dahil nakikinig ako sa mga kinukwento niya.
Yun ay kapag may nakakatabi lang naman ako. Na bihira rin dahil yung ibang nakakasabay ko eh trip sa may likod ng drayber pumwesto.
BOW!
Kapag sobrang naiinis at nangigigil talaga ako sa isang tao at hindi ko mailabas; hindi ko siya masagot pabalik dahil masamang sumagot sa matanda o mas mataas ang katungkulan kaysa sa’yo o di kaya naman ay hindi ko masaktan physically dahil bata o matanda na naman.
Wala akong ibang nagagawa kundi maiyak. As in kahit pigilin ko talaga hindi ko magawa. Bigla na lang may tutulong luha sa aking mga mata.
Siguro doon ko nailalabas sama ng loob ko. (malamang) Kahit hindi ko talaga ginugustong maiyak.
At kapag sobrang nanggigigil talaga ako at wala akong magawa. Nagiging madaldal ako. Tipong nagsusumbong sa kung sino mang tao ang makakausap ko tungkol sa kinaiinisan ko.
Kaya napagtanto ko. I can work under pressure. It’s the people behind that pressure i cannot deal with.
At ‘yan ang dapat kong pag-aralang i-conquer.
Sa larangan ng pagtatrabaho lalo.
May mga tao na hindi i-kokonsidera ang sitwasyon mo sa trabaho. Magpapakatamad sila o magmamabagal sa paggawa kahit alam na ikaw ang naiipit sa sitwasyon.
May iba rin na mas malaki pa ang ulo at mas mayabang kaysa sa mga boss nila. Daig pa ang mga mataas na opisyal ng kompanya.
At least kung may ganyan sa school minsan. May mapagsasabihan ka kaagad na mga barkada o close mong kaklase.
Pero sa trabaho. Isipin mo lagi na mag-isa ka lang at walang kakampi. Walang sasagip sa’yo sa bawat kapalpakan mo.
Kaya dapat laging maingat sa mga ginagawa. At ang kakampi mo ay sarili mo noh.
Ayun nga..
Kanina ng pauwi na ako at nakasakay na sa jeep͵ may nakatabi akong isang napakagandang babae. Palagay ko ay nasa 16 to 19 ang edad ng napakagandang babaeng ito.
Napansin ko na may pinagtatalunan sila ng kasama niya na tila nanay niya yata.
Sadyang kakikitaan ng pagiging magalang ang batang ito sapagkat talaga namang sumasagot siya sa mga sinasabi ng nanay niya. Doon pa lamang ay iritable na ako sa kanya.
Sa lahat ng ayoko eh yung mga kabataan na yan na walang kiber na sinasagot ang mga magulang nila lalo pa sa isang pampublikong lugar. Wala akong pakialam kung pagalitan ka. Hayaan mo lang siya. Hahanga pa ako sa iyo kung tahimik ka lang. Ang kaso itong dalagang ito ay hindi yata alam ang salitang respeto.
Medyo mahina lang naman ang mga pagsagot niya pero sapat pa rin para marinig ko. Lalo pa at naiimbyernah ako sa kanya.
Heto na nga..
Maya-maya ibinigay sa kanya ng nanay niya ang pamasahe nila.
Ina: “Bayad mo oh.“
(Kinuha ng magalang na dalaga)
At ng kuhanin niya. Biglang sabi sa akin
Bruhang bata: “Paabot nga!“
Ay automatic ang mga tenga at mga mata ko oh. Nilingon ko talaga siya at tiningnan ng masama. Napatingin rin sa kanya at sa akin ang nanay niya.
Kumulo lahat ng pwedeng kumulo sa akin eh. Wala man lang kalambing lambing man lang ang salita niya kundi naguutos. At as in agad-agad niyang iniabot sa akin ng walang kaeffort-effort ang pamasahe nila.
Ngunit dala ng paggalang kahit tiim bagang na ako at sa isip ko ay sinasabunutan ko na siya eh kinuha ko pa rin ang pamasahe (wala rin naman akong choice at tiningnan ko muna siya ng matalim n‘on).
Sinabi ko talaga: “Ma͵bayad raw ho ng nakikiabot!“ nilakasan ko talaga para madinig ng agua benditang bata na yon! With matching taas pa ng kilay.
Nakakapanginit talaga ng ulo ang mga taong walang modo. Kung wala ka sa huwisyong gumalang. Wag ka ng lumabas ng bahay ninyo.
Madapaka! Sana.
‘Yong mga pasaherong babae na nakamini skirt o nakapalda o nakashort-shorts, na tagilidgenic yata ang peg. Magdala ka ng kumot kung ayaw mong makita yang legs mo teh. Ayos lamang sana kung hindi siksikan sa jeep ‘no. Eh kaso nakikita mo na ngang nagkakaamuyan na ng kili-kili mga katabi mo dahil sa pagkakadikit ng igi, ikaw naman eh prenteng nakatagilid pa diyan.
Magdala ka ng malaking bag. Pantakip mo diyan sa legs mong may bakokang!
‘Yong mga pasaherong lalake na OA makabukaka. Uhm, kuya? Sampu itlog mo? Hirap ka yatang umupo. Lika, iprito natin ‘yung iba. Hindi ka rin makaramdam eh noh? Alam mo na ngang gusto kita eh. Ay mali! Hahaha! (toinks) Alam mo na nga na wala na halos maupuan yung kalahati ng pwet ng kapwa mo pasahero, ikaw naman eh kung makabukaka akala mo nasa sala ka lang at nanonood ng TV. Pwede bang isarado mo ng kaunti yan?
Hindi naman liliit yang chever mo kapag di ka bumukaka ng owverr eh. At hellerr! Wala na rin namang ililiit yan.



